It Began With Respect And Turned Into Love
It started with teasing and playful taunting.
-
pending
- Posted 1 week, 1 day ago
in Relationship Poems
Nagsimula sa paggalang, sa pormal na tawag,
"Maam Tinay," ang sambit, boses mo ay di maaninag.
May bakod ang bawat salita, may guhit ang distansya,
maingat ang bawat hakbang, puno ng pasensya.
Nagsimula sa paggalang, sa pormal na tawag,
"Maam Tinay," ang sambit, boses mo ay di maaninag.
May bakod ang bawat salita, may guhit ang distansya,
maingat ang bawat hakbang, puno ng pasensya.
Ngunit ang tadhana'y sadyang mapangahas,
ang pormal na usapan, unti-unting kumupas.
Ang titulong "Maam" ay naging bulong na lang,
nalunod sa tawa, sa kwentuhan, at sa kulang.
Sinong mag-aakalang sa likod ng pangalan,
May pusong naghihintay na mabigyan ng laman.
Ang paggalang na dati'y pader na matibay,
Naging pintuan pala tungo sa ating buhay.
Ang pader na titulo ay unti-unting naitabi,
Ang "Maam" ay naging "Tinay," naging "Ikaw," naging "Tayo,"
Hanggang ang "LOVE" na ang tawag, kahit saan magtungo.
Konti na lang, akala ko'y abot kamy na ang langit,
Ang kwento nating dalawa, wala nang mapait.
Binura ang nakaraan, binago ang tadhana,
Sa bawat "Love" na sambit, tila tayo'y iisa na.
More...
Review this poem and other Pending Poems